Header Ads Widget

Responsive Advertisement

Noli Me Tangere Kabanata 29 : Kinaumagahan

  


  Maagang pumasiyo sa lansangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tunog ng kampana at mga paputok.

  Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magagarang damit at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasio lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng Tenyente Mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang di-magsaya ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya ay pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Filipo ay sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng Kura.

  Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musikero ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga Hermana Mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.

  Si Padre Damaso, ay nagpahiwatig na hindi siya makapagbibigay ng sermon kinabukasan dahil sa masamang pakiramdam. Subalit, hindi siya nakatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.

  Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.

  Eksaktong alas otso ng umaga ng magsimula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda na inilawan ng mga matatandang dalaga sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kumpara sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

  Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ng Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon. Ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi na nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.

  Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang Alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kaniyang matuwid na pagkakatayo.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Ang Alamat ng Tandang