Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing na hulog ng langit. Siya ay pandak, di-kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taóng gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lámang nanabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang laláki.
Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bÃlang asendero. Hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ang kaniyang yaman.
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang maimpluwensiyang tao. Siya ay malakas sa mga táong nasa gobyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga Prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino. Kasundo niya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nagpapadasal para sa kaniyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lámang na nasa kaniyang silid ang lahat ng mga Santo at Santong sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Baylon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda ng mga Kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kaniyang pagpupula sa mga Pilipino, siya ay naglingkod bilang Gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod niya. Anumang reglamento o patakaran ay kaniyang sinusunod. Sipsip din siya sa mga táong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siya mayroong handog na regalo.
Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring Dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga-Santa Cruz. Nagtulungan sila sa paghahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibÃgan din nila ang pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Sa anim na taong pagsasáma nina Tiago at Pia ay hindi sila nagkaroon ng anak kung kaya kung saan-saan sila namanata.
Ipinayo ni Padre Damaso na pumunta sila sa Obando at mamanata kina San Pascual Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sr de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia. Siya ay naglihi at nagdalantao. Gayupaman , naging masakitin si Pia. Pagkapanganak niya siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara bÃlang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando. Si Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natukang mag-aruga kay Maria Clara. Lumaki siya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel,ng kaniyang ama at ng mga Prayle.
Katorse anyos si Maria Clara nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa kaniyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra. Pagkapasok ni Maria Clara sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.
Gayunpaman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak sa pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria Clara at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.



0 Mga Komento