Header Ads Widget

Responsive Advertisement

Noli Me Tangere Kabanata 33: Malayang Pag-iisip

  


  Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kaniya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kaniya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat mayroon itong kaaway sa lahat ng dako. "Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan,” pagdidiin pa ni Elias.

  Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kaniyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit at dahil na rin sa kaniyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi na nakikipag-usap sa ,di kilalang tao at sinabing “ hindi kakainin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kaniyang ama, makikita ninyo.”

  Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kaniyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra ang panghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kaniya. Pero, ikinat'wiran ni Elias na kahit buhay pa ang taong madilaw at natakasan niya ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao hindi naman ang hukuman ng Diyos. 

  Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa tao. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Ang Alamat ng Tandang